Sunday, September 28, 2008

Tamang Kahulugan ng mga Salitang Pinoy

Abuloy- Bayad sa nahigop na kape at nanguyang biskwit sa nilamayang sakla

Akala - alam na alam daw

Aginaldo - inaasahan na makukuha sa araw ng Pasko na mas okay sana kung pera na lang

Bakasyon - sandaliang pahinga sa trabahong hingal lang ang pahinga

Bakit - tanong na laging mahirap masagot

Bakya - tsinelas na may takong

Baga - lutuan ng mga hindi makabili ng microwave

Bagoong - masarap na ulam ng mga walang maiulam

Baldado - hindi mamamatay-matay na mukhang hindi na mabubuhay

Bale - sweldong inutang

Kaaway - ikli ng "kaibigan na inayawan"

Kababata - dating gelpren na may ibang boypren

Kabag - utot na naipon sa tiyan

Kabayo - hayop na sinasakyan ng kalesa

Kalbo - gupit ng buhok na korteng itlog

Dalaginding - dalgang hindi pa nagsusuot ng bra

Dilim - liwanag na maitim

E - ireng paseksi

Gahasa - romansang walang ligawan

Ginang - asawa ni ginoo na mukha nang tsimay

Ginoo - inaasawa ni ginanang na may inaasawang iba

Gipit - kalagayan ng tao na suki na ng sanglaan

Ha - sagot ng nagbibingi-bingihan

Halakhak - tawang bukang-buka ang ngala-ngala

Handaan - magdamagan na palakihan ng tiyan

Handog - bigay na laging may kapalit

Hipo - haplos na may malisya

Hudas - tapat na manloloko

Ibon - hayop na lumalangoy sa hangin

Imposible - pagtaas ng unano

Insulto -walang hiyang biro

Isda - hayop na hindi nalulunod

Ita - negrong Pinoy

La - ikli ng "lalalala" sa kinakantang hindi maalala

Lalawigan - siyudad ng kahirapan

Langaw - kulisap na bangung-bango sa amoy ng basura

Ma - tawag sa gelpren na mukhang nanay na

Malusog - hitsura ng tumatabang balat

Mama - tawag sa sosyal na ina

Mano - kaugaliang Pinoy na nakapupudpod ng noo

Mantika - katas ng piniritong taba

Maybahay - asawang utusan sa bahay

Nakaw - pagkuha ng walang pasabing "akin na lang ito"

Naku - ikli ng "ina ko, ina na ako"

Nitso - bahay ng mga patay

Nobya - gelpren na laking probinsiya

Ngalngal - iyak ng walang ipin

Ngisi - tawang tulo-laway

Ngiti - tawang labas ipin

Paa - bahagi ng katawan na amoy lupa

Paaralan - dito itinuturo kung ano, alin o sino ang mapipiling bobo

Panata - dasal na nakatataba ng tuhod

Regla - masungit na panahon ng pagkababae

Sabon - mabangong bagay na ipinapahid sa mabahong katawan

Sakristan - utusan ng pari

Sampal - haplos na nakatitigas ng mukha

Ta - ikli ng "tita" o lalaking may bra

Tamad - taong hindi napapagod sa paghinga

===============
Taken from Kabayan News...

No comments: